Simulation test isinagawa sa LRT-2 bilang paghahanda sa pagbabalik ng full line operations

Simulation test isinagawa sa LRT-2 bilang paghahanda sa pagbabalik ng full line operations

Pinaghahandaan na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbabalik ng full operations ng LRT-1.

Target ng LRTA na sa unang quarter ng kasalukuyang taon ay maibabalik na ang operasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas stations na naapektuhan ng naganap na sunog sa power rectifiers.

Ngayong araw nagsagawa ng simulation test sa Santolan station bilang paghahanda sa pagbabalik ng full line operations ng LRT-2.

Layon ng simulation test na matiyak ang stability at reliability ng power supply sa rectifier substation (RSS) No. 5.

Sa ginawang simulation test, ang mga tren na galing Recto at nagbaba ng pasahero sa Cubao station ay pinadidiretso sa Santolan station at pinaiikot pabalik muli ng Cubao. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *