Signal #1 agad itataas sa ilang lalawigan sa Northern Luzon sa sandaling maging bagyo na ang LPA sa Cagayan

Signal #1 agad itataas sa ilang lalawigan sa Northern Luzon sa sandaling maging bagyo na ang LPA sa Cagayan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 25 kilometers East ng Calayan, Cagayan at papalapit na sa Babuyan Islands.

Sa sandaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong ‘Helen’ at agad a magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal #1 ang PAGASA sa mga lalawigan sa Northern Luzon.

Babala ng PAGASA, sa sandaling magtaas na ng signal number 1 ay maaapektuhan ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga apektadong lugar.

Ang LPA ay inaasahang maghahatid na ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Abra, Apayao, at Kalinga.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *