Severe Tropical Storm Chan-Hom hindi na papasok sa bansa – PAGASA

Severe Tropical Storm Chan-Hom hindi na papasok sa bansa – PAGASA

Hindi na papasok sa bansa ang Severe Tropical Storm na mayroong international name na Chan-Hom.

Sa final weather advisory ng PAGASA para sa nasabing bagyo, huling namataa ang sentro nito sa layong 1,515 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Lumakas pa ang bagyo at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA sa kasalukuyang direksyon ng bagyo maliit na ang tsansa na pumasok ito ng bansa.

Inaasahang magpapatuloy pa ang paglakas ng bagyo at maaring maabot ang typhoon category mamayang gabi o bukas ng umaga.

Samantala ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 230 kilometers East Southeast ng Daet, Camarines Norte.

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *