Service Contracting Program general registration para sa mga driver sa Maynila, ilulunsad sa March 10
Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga tsuper sa Maynila na dumalo sa General Registration at Orientation Activity para sa Service Contracting Program ng pamahalaan.
Ito ay gaganapin sa Marso 10 (Miyerkules) hanggang Marso 11 (Huwebes) sa Palma Hall ng Universidad de Manila (UDM) simula alas-otso (8:00 AM) ng umaga hanggang alas-singko (5:00 PM) ng hapon.
Ayon sa LTFRB, mayroong cut-off sa pagtanggap ng mga magpaparehistro kaya pinapayuhan ang lahat na magpunta sa venue mula umaga hanggang bago mag alas-tres (3:00PM) ng hapon.
Sa mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) driver na nais dumalo sa nasabing aktibidad, kailangang dalhin ang mga sumusunod:
– Original at Photocopy ng Professional Driver’s License na may tatlong pirma ng drayber;
– Certification na pirmado ng operator na nagpapatunay na siya ay awtorisadong drayber ng idineklarang unit; I-download sa link na ito ang certification: https://tinyurl.com/sccertdoc
– Photocopy ng valid ID ng Operator na may tatlong pirma ng operator;
– Photocopy ng OR/CR ng mimamanehong Jeep;
– Photocopy ng Certificate of Public Convenience.
– Account details, tulad ng e-Wallet Gcash, Paymaya o Land Bank of the Philippines na nakapangalan sa sarili. Hindi tatangapin kung ito’y nakapangalan sa asawa o anak;
Kung Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ) driver naman na parte ng isang kooperatiba o korporasyon, mangyari lamang na tumungo din sa nasabing aktibidad at dalhin ang mga sumusunod:
– Magsumite ng listahan ng driver na sasali sa programa;
– Certification na pirmado ng awtorisadong tao ng coop;
– Mga indibidwal na dokumento ng mga driver na sasali sa programa;
Paalala ng LTFRB na mahigpit na ipatutupad ang No Face Shield, No Face Mask, No Entry policy at istriktong oobserbahan ang Social Distancing Guidelines sa venue.