Senior Citizens, menor de edad papayagan na muling makasakay sa MRT-3
Kasabay ng pagbaba ng alert level status ng Metro Manila sa Alert Level 2, papayagan na muli ang mga senior citizens at menor de edad na may kasamang adult na makasakay sa MRT-3 simula bukas, February 1.
Maaaring makasakay sa priority section na unang bagon o leading car ng mga tren ang mga manor de edad at kanilang guardian, kasama ang iba pang priority passengers na binubuo ng mga buntis, PWDs, at senior citizens.
Samantala, mahigpit pa ring ipatutupad sa buong linya ang minimum public health standards, kasama ang wastong physical distancing, pagbabawal kumain, uminom, magsalita, at sumagot sa telepono sa loob ng mga tren, at ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng oras.
Boluntaryo naman ang pagsusuot ng faceshield.
Nasa 70% ang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3, kung saan mayroong 276 na pasahero kada bagon o 827 pasahero kada train set.
Ang isang train set ay binubuo ng tatlong bagon. (DDC)