Senior Citizens hindi na kailangan ng personal appearance para sa pension claims simula sa March 1 – Malakanyang

Senior Citizens hindi na kailangan ng personal appearance para sa pension claims simula sa March 1 – Malakanyang

Simula sa March 1, 2021 hindi na obligado ang mga senior citizen na personal na humarap para sa validation ng kanilang pension claims.

Inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga pension-issuing agencies gaya ng SSS, GSIS, at kanilang servicing banks maging ang iba pang financial institutions na magkaroon ng alternative modes para sa validation ng mga senior citizen na pensioners.

Sa kasalukuyan kasi ay kailangan pa ng personal appearance ng senior citizens para tuloy na makatanggap ng kanilang pensyon.

Sa desisyon ng IATF, ikinunsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga nakatatanda lalo ngayong may pandemya ng COVID-19.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *