Senator Richard Gordon nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Senator Richard Gordon.
Kinumpirma ito ni Gordon matapos niyang matanggap ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.
Ayon sa senador, medyo masama ang kaniyang pakiramdam pero wala naman siyang ibang sintomas.
Pinayuhan aniya siya ng kaniyang duktor na magpahinga at mag-isolate sa kanyang bahay.
Si Gordon ay fully-vaccinated na.
Ayon kay Gordon, epektibo ang mga bakuna kaya hinihikayat niya ang lahat na magpaturok kontra COVID-19.