Senator Leila De Lima muling tatakbong senador sa 2022 elections

Senator Leila De Lima muling tatakbong senador sa 2022 elections

Tuloy ang laban!

Ito ang inihayag ni Senator Leila de Lima kasunod ng pagkumpirma na muli siyang tatakbong senador sa 2022 elections.

Sinabi ni De Lima na ang naranasan niyang political persecution sa ilalim ng Duterte administration ay lalo lamang nagpalakas sa kaniyang layunin na isulong ang kaniyang mga adbokasiya.

Ani De Lima, ang hindi makatarungang pagpapakulong sa kaniya ay nagtulak para lalo niyang ipaglaban ang injustice at human rights.

Samantala, sa kaniyang liham sa pangulo ilang araw bago ang pinal na State of the Nation Address (SONA) nito sa July 26, binatikos ni De Lima si Duterte sa kabiguan na tuparin ang kaniyang campaign promises lalo na sa isyu ng illegal drugs, corruption, West Philippine Sea (WPS) at ekonomiya.

“Mahigit na apat na taon mo na akong ipinakulong para maitago ang iyong pagka-inutil, bukod pa sa paghihiganti mo sa akin. Mahigit na apat na taon na ipinagkait mo sa akin, sa aking pamilya, at sa labing-apat na milyon na bumoto sa akin. Mahigit na apat na taon na akin ngayong sisingilin sa pagtatapos ng iyong termino,” ayon kay De Lima.

Tiniyak din ni De lima na sa kaniyang muling pagtakbo, sisingilin niya si Duterte sa anim na taon na “pambabalasubas nito sa bansa”. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *