Senado hindi papaapekto kay Pangulong Duterte

Senado hindi papaapekto kay Pangulong Duterte

Nanindigan ang Senado sa kanilang pagiging independent at nangakong itutuloy ang kanilang mandato sa pagtitiyak na nagagamit ng tama ang pondo ng bayan.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magpaalam sa kanya ang sinumang opisyal na dadalo sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na prerogative ng Punong Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga polisiya sa kanyang gabinete.

Gayunman, iginiit ni Sotto na hindi nito mapipigilan ang kanilang oversight function sa mga proyekto ng gobyerno at maging ng paggastos ng pamahalaan.

Nanindigan din ang senador na hindi na nila problema kung hindi tutugma sa kagustuhan ng administrasyon ang mga panukalang kanilang ipapasa dahil sa kawalan ng kooperasyon sa kanila ng gabinete.

Ipinaalala pa ni Sotto na ang independence ng Senado ay hindi nakadepende sa kooperasyon o kawalan ng kooperasyon ng executive department. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *