Seguridad sa Maynila pinaigting ng MPD kasunod ng pagsabog sa Jolo, Sulu
Inatasan na ni Manila Police District Director PBGeneral Rolando Miranda ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang seguridad sa Lungsod ng Maynila.
Ang utos ni Miranda ay kasunod nang naganap na pambobomba sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng mga sundalo at pulis kasama ang ilang sibilyan.
Nagdagdag na rin ng mga check points, Oplan Sita, OPLAN BANDILLO at mga paalala sa mga mamamayan upang mapangalagaan ang seguridad ng Maynila.
Layon ng hakbang ng MPD na maiwasan ang karahasan katulad ng nangyaring “bombing” sa Mindanao.
Pinaalalahanan din ang mga mamamayan na maging mapagmatyag at ireport agad sa pulis ang mga kahina-hinalang bagay o mga tao na pakalat-kalat sa paligid.