Schedule ng pamimili sa Pamilihang Bayan ng Montalban gagawing ‘per barangay’
Magkakaroon na ng schedule ng pamimili sa Pamilihang Bayan ng Montalban ang bawat barangay.
Batay ito sa bisa ng Executive Order No. 83 S. 2021 na nilagdaan ni Montalban Mayor Tom Hernandez.
Layon ng kautusan na maipatupad ang minimum public health protocols para sa kaligtasan ng mamamayan alinsunod sa IATF Resolution na nagpapalawig sa ECQ sa lalawigan ng Rizal hanggang Apr. 11.
Simula Bukas, April 6, 2021 hanggang April 11 ang ating Montalban Public Market ay bukas mula Lunes hanggang Sabado at narito ang schedule ng pamimili:
6:00 AM – 4:00 PM
Barangay Schedule:
📍 San Isidro – MARTES / BIYERNES
📍 San Jose – LUNES / HUWEBES
📍 Burgos, Manggahan, San Rafael, Geronimo, Rosario, Balite, Mascap, Puray at Macabud – MIYERKULES / SABADO
Tuwing araw ng Linggo ay sarado para sa disinfection ang palengke at kada makalawa ng alas 6:00 ng gabi ay naka-schedule ang disinfection.
Ang mga mamimili, dapat magpakita ng QUARANTINE PASS at pagkakilanlan (ID) kung saan silang barangay nakatira.
Ang lahat ng papasok para mamili gayundin ang lahat ng nagtitinda ay dapat sumunod sa minimum public health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields.
Ang mga nagtitinda ay mangangasiwa para sa pagpapatupad ng physical distancing sa kanyang lugar na pinagtitindahan.
Hindi papahintulutang mamili ang mga SENIOR CITIZENS at MINORS, maliban na lamang kung walang kasama o kapamilyang gagawa nito para sa kanyang pangangailangan.
Hiwalay na lagusan para sa ENTRANCE at EXIT ang ipatutupad at dadaan sa minimum health measures papasok ng pamilihan.
Exempted sa kautusan ang mga Front liners, essential workers, empleyado ng mga establisyimento na tukoy ng Inter-Agency Task Force bilang essential.