Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 144 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, 4:14 ng madaling araw ng Sabado (Mar. 13).
80 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Instrumental Intensities:
Intensity II – Malungon, Sarangani
Intensity I – Alabel, Sarangani