Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ang lindol ay naitala sa layong 119 kilometers southeast ng Sarangani alas 10:09 ng umaga ngayong Miyerkules, March 10.
81 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.