Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 115 kilometers East ng Sarangani alas 11:20 ng umaga ng Linggo, June 20.
May lalim na 44 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)