Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 306 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani alas 12:19 ng madaling araw ng Lunes, March 15.
May lalim na 458 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.