Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 182 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani.
May lalim na 369 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito nagdulot ng pinsala at aftershocks.