Santolan, Katipunan, Anonas stations ng LRT-2 balik-operasyon na

Santolan, Katipunan, Anonas stations ng LRT-2 balik-operasyon na

Matapos ang mahigit isang taon, muling nakabiyahe ang mga tren ng LRT-2 sa Santolan, Katipunan at Anonas stations.

Magugunitang nasira dahil sa naganap na sunog ang Rectifier Substation (RSS) Nos. 5 at 6 sa Katipunan at Anonas, na naging dahilan ng pagtigil ng operasyon ng tatlong istasyon noong Oktubre 2019.

Matapos ang ginawang mga test at angkop na parameters ng linya, naibalik na ang full operations ng LRT-2.

Para naman masigurong ligtas ang biyahe ng mga pasahero, itinakda lamang sa 30 kph ang bilis ng tren.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) aabot sa 14 na minuto ang headway o pagitan ng dating ng mga tren. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *