Santa Cruz, Zambales niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang lalawigan ng Zambales.
Ang lindol ay naitala sa layong 60 kilometers southwest ng bayan ng Santa Cruz alas 3:24 ng hapon ng Huwebes, March 11.
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang lindol.