San Juan LGU magsisimula nang magbakuna sa mga hindi nila residente
Uumpisahan na ng San Juan City Local Government ang pagbabakuna sa mga hindi residente o hindi nagtatrabaho sa lungsod.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kailangan lamang magparehistro para makakuha ng schedule kung kailan mababakunahan.
Paalala ni Zamora, bawal ang walk-in sa gagawing bakunahan at dapat hintayin ang confirmatory text mula sa San Juan City government bago magpunta sa bakunahan.
Mga edad 18 pataas ang pwedeng bakunahan.
Isasagawa ang vaccination sa Greenhils Theater Mall.
Pinaalalahanan din ang lahat na ito ay para sa mga hindi pa nababakunahan.
Ang mga mahuhuling magpapa-booster shot o magpapabakuna ng ikatlo o ikaapat na beses ay maaring maparusahan ng 6 hanggang 1 taon na pagkakabilanggo at multang P5,000. (DDC)