San Jose, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 5.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 63 kilometers southwest ng bayan ng San Jose alas 7:24 ng umaga ngayong Martes, February 9.
Tectonic ang origin ng lindol at 23 kilometers ang lalim.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – San Jose and Magsaysay, Occidental Mindoro; Bulalacao, Oriental Mindoro
Intensity II- Rizal, Occidental Mindoro; Malay, Aklan
Intensity I- Nabas, Aklan
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala pero aasahan ang aftershocks ayon sa Phivolcs.