San Jose, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 60 kilomters southwest ng bayan ng San Jose alas 7:49 ng umaga ngayong Biyernes, February 5.
14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Instrumental Intensities:
Intensities III – San Jose, Occidental Mindoro; Roxas City
Intensity I – San Jose de Buenavista, & Sebaste, Antique
Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig.