San Jose de Buenavista, Antique niyanig ng magnitude 3.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Antique.
Ayon sa PHIVOLCS ang pagyanig ay naitala sa layong 27 kilometers southwest ng San Jose de Buenavista alas 2:46 ng madaling araw ngayong Miyerkules (Jan. 13).
May lalim na 2 kilometers lamang ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity IV sa San Jose de Buenavista, Antique.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.