San Antonio, Zambales niyanig ng magnitude 5.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Zambales.
Naitala ang pagyanig sa layong 125 kilometers southwest ng San Antonio, alas 3:48 ng hapon ngayong Huwebes, February 4.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 40 kilometers.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala.
Pero ayon sa Phivolcs, maaring magdulot ng aftershocks ang naturang pagyanig.