Sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa MRT-3 depot, mga pasahero hindi dapat mangamba

Sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa MRT-3 depot, mga pasahero hindi dapat mangamba

Pinawi ng pamunuan ng MRT-3 ang pangamba ng mga pasahero bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga empleyado sa depot nito na positibo sa COVID-19.

Kahit mayroong mahigit 40 na positibo sa COVID-19 sa MRT-3 depot ay tiniyak ng pamunuan nito na ligtas sumakay ng MRT-3.

Ito ay dahil sa mas pinaigting pa ng pamunuan ng MRT-3 ang pagpapatupad ng mga health at safety protocols sa depot at sa mga istasyon nito upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga personnel at pasahero.

Patuloy din na ipinatutupad ng MRT-3 ang “7 Commandments”, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan kabilang ang mga sumusunod:
1) Laging magsuot ng face mask at face shield
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono
3) Bawal kumain
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV
5) Laging magsagawa ng disinfection
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon
7) Laging sundin ang panuntunan sa physical distancing

Bukod dito, ipinag-utos ng pamunuan ng rail line ang mahigpit na palagiang pagsusuot ng full personal protective equipment (PPE), kasama na ang face shield, face mask at gown.

Ito ay matapos isailalim sa ‘enhanced access control’ ang MRT-3 depot office.
Sa ilalim ng ‘enhanced access control,’ tanging mga personnel lamang na nag-negatibo sa RT-PCR swab test ang pinapayagang makapasok sa opisina. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *