Rosario Maclang Bautista General Hospital sa QC hindi muna tatanggap ng face-to-face consultation sa kanilang OPD
Pansamantalang sarado sa Face-to-Face consultation ang Out-Patient Department ng Rosario Maclang Bautista General Hospital sa Quezon City ngayong araw, March 22 at bukas March 23.
Ito ay para mabigyang-daan ang vaccination program sa mga healthcare worker.
Hindi rin muna tatangap ng walk-in patients.
Patuloy naman ang serbisyong medikal ng ospital sa pamamagitan ng Telemedicine.