Rollout ng COVID-19 vaccines sa Antipolo sisimulan na

Rollout ng COVID-19 vaccines sa Antipolo sisimulan na

Natanggap na ng lungsod ng Antipolo ang mga bakuna ng Sinovac para sa mga medical frontliners ng lungsod.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, mayroong apat na public hospitals sa Antipolo kung saan ang mga medical frontliners ay boluntaryong magpapabakuna gamit ang CoronaVac ng kumpanyang Sinovac.

Isasagawa ang pagbabakuna simula ngayong araw ng Huwebes, March 4.

Umaasa si Ynares na darating na din sa bansa ang karagdagang ibang brands ng bakuna na inorder ng lokal na pamahalaan para naman sa mga mamamayan ng Antipolo.

Ito ay upang masimulan na rin ang pagbabakuna sa mga residenteng handang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *