Robotics Rehab Program ilulunsad sa Ospital ng Maynila
Ilulunsad ngayong araw sa Ospital ng Maynila ang Robotics Rehab program.
Ang makabagong teknolohiya ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Manila City government sa Robocare Solutions Inc.
Rerentahan ng Manila City LGU ang dalawang sets ng tatlong unit ng Hybrid Assistive Limb o HAL.
Ang HAL ay lower limb type robotic assist na magagamit bilang advanced robotic rehabilitation technology.
Maari itong magamamit ng mga pasyenteng mayroong
– Spinal cord injury
– Parkinson’s Disease
– Stroke/CVA
– Traumatic brain injury
– Progressive intractable neuromuscular diseases
Isasagawa ang paglulunsad ng makabagong kagamitan ala 1:00 ng hapon sa Ospital ng Maynila. (Dona Dominguez-Cargullo)