Ridership ng mga apat na rail lines sa ilalim ng DOTr umabot sa 12 milyon mula Hunyo hanggang Agosto
Umabot sa mahigit 12 milyon ang ridership ng apat na rail lines na pinatatakbo ng ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa inilabas na datos ng DOTr, mula noong June 1 nang isailalim na ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) at unti-unting nakabalik sa operasyon ang mga tren ay umabot sa 12,305,066 ang ridership ng mga tren.
Narito ang breakdown:
LRT-1 – 6,289,228
LRT-2 – 1,836,490
MRT-3 – 3,239,501
PNR – 939,847
Magugunitang sa pagitan ng August 4 hanggang 18 a nahinto pa ang operasyon ng mga tren dahil sa pag-iral ng MECQ sa Metro Manila.
Nagsuspinde rin ng operasyon ang MRT-3 mula July 7-12 dahil sa COVID-19 cases sa kanilang mga tauhan.