Retired Supreme Court Associate Justice Arturo D. Brion itinalaga bilang bagong chancellor ng PHILJA
Si Retired Supreme Court Associate Justice Arturo D. Brion ang magiging bagong Chancellor ng Philippine Judicial Academy (PHILJA).
Sa inilabas na En banc notice ng Korte Suprema, itinatalaga si Brion biilang Chancellor ng PHILJA epektibo sa June 1, 2021.
Mapapaso na kasi ang termino ni Chancellor Adolfo Azcuna sa May 31, 2021.
Ang En banc notice ay nilagdaan ni SC Clerk of Court Marife Lomibao-Cuevas.