Retired Justice Antonio Carpio kumasa hamon na debate ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu sa West PH Sea
Kumasa si Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa hamon na debate ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, tinatanggap niya ang hamon ng pangulo anumang oras nito naisin.
Sinabi rin ni Carpio na kailanman ay hindi siya nasangkot sa pagpapasya na i-withdraw ang mga barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea noong 2021 Scarborough Shoal standoff.
Noong mga panahon na iyon sinabi ni Carpio na siya ay nasa Korte Suprema siya.
Ani Carpio, dapat totohanin ni Pangulong Duterte ang kaniyang pahayag na magbibitiw agad siya sa pwesto kapag napatunayang nagsisinungaling siya sa pagsasabing sangkot si Carpio sa pagdedesisyon sa pag-atras ng Navy ships sa West Philippine Sea.