Retired Coast Guard Commandant Admiral Wilfredo pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong graft

Retired Coast Guard Commandant Admiral Wilfredo pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong graft

Pinawalang sala ng Sandiganbayan si retired Philippine Coast Guard Commandant Admiral Wilfredo Tamayo sa kasong graft.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan sa panulat ni Justice Alex Quiroz, ang mga isinumiteng documentary evidence ng prosekusyon laban kay Tamayo ay hindi sapat para sa nito.

Nag-ugat ang kaso laban kay Tamayo sa inihaing reklamo ng Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman sa paglabag sa Section 3 (e) ng R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay dahil sa pagbabayad ng PCG sa Special Maritime Advance Rescue Team (SMART) items sa kabila ng kulang na delivery ng mga gamit ng supplier na Joshwell Trading.

Ayon sa aboagdo ni Tamayo, welcome development para sa dating PCG commandant ang naging pasya ng Sandiganbayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *