Resulta ng bar exams para sa Shari’ah Courts inilabas na ng SC

Resulta ng bar exams para sa Shari’ah Courts inilabas na ng SC

Inilabas na ng Office of the Bar Confidant o OBC ng Korte Suprema ang resulta ng 2020 Special Bar Examinations for Shari’ah Courts na idinaos noong nakaraang taon.

Sa 654 na bar examinees, 71 lamang o 10.86 percent ang pumasa sa dalawang araw na pagsusulit na ginawa sa Court of Appeals sa Maynila noong Enero 19 at 26, 2020.

Kabilang sa Top 10 ay sina:

1) Mohammad Hisham M. Mocsir na nakakuha ng pinakamataas na marka na 87.075;

2) Ramayana D. Saidamen, 86.975;

3) Mohammad Mojib D. Marangit, 85.075

4) Julamin A. Paglala, 84.625;

5) Ainah M. Pumbaya, 83.525;

6) Sittie Ainah M. Ali, 83.200

7) Nasihah S. Mamarungas, 82.075

8) Johari C. Abubacar, 82.025

9) Raima P. Panandigan, 81.100

10) Nornisah M. Taha, 80.950.

Ayon kay CA Associate Justice Japar Dimaampao, chairman ng 2020 Committee on the Shari’ah Bar Examinations, ito na ang pangalawang pinakamababang passing percentage ng mga nagsikuha ng nasabing pagsusulit.

Ang pinakamababa ay noong 1983 na 14 lamang ang nakapasa o 7.69 percent.

Kabilang sa mga nagsilbing examiner sa 2020 Special Bar Examinations for Shari’ah Courts ay sina:

Atty Melchor Rey K. Sadain [Persons, Family, Relations and Property];

Dr. Asnawil G. Ronsing [Jurisprudence (Fiqh), and Customary Laws (Adat)]

Dean Norhabib Bin Suod S. Barodi [Procedure in Shari’ah Courts]

Dr. Jamel R. Cayamodin [Succession, Wills/Adjudication and Settlement of Estate].

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *