Responsibilidad sa anumang kahihinatnan ng pagbabakuna kontra COVID-19 inako ni Pangulong Duterte
Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad anuman ang kahinatnan ng pagbabakuna kontra COVID-19 gamit ang brand na napiling bilhin ng national government.
Sa kaniyang pre recorded speech na umere ng Miyerkules (Jan. 13) ng gabi, sinabi ng pangulo na anumang bakuna nabibilhin ng itinalaga niyang vaccine czar na si Sec. Carlito Galvez Jr. ay siya ang may responsibilidad.
Sinabi ng pangulo na anumang responsibilidad ni Galvez ay kaniya ding responsibilidad.
Ayon sa pangulo ang bibilhing bakuna ni Galvez ay epektibo at ligtas.
Sa ngayon, ang pamahalaan ay nakipagkasundo na para sa pagbili ng bakuna ng Sinovac BioTech ng China, Serum Institute ng India, at AstraZeneca ng England. (D. Cargullo)