Resort sa Boracay pansamantalang isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado
Kinumpirma ng pamunuan ng Hue Hotels and Resorts sa Boracay na isang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-9.
Pansamantalang isinara ang resort simula kahapon (Jan. 31) at ngayong araw (Feb. 1) para makapagsagawa ng disinfection.
Sa pahayag ng pamunuan ng hotel nagpositibo sa COVID-19 test ang isang empleyado matapos sumailalim sa RT-PCR na requirement ng Malay local government unit noong January 26.
Asymptomatic ang empleyado pero para sa kaligtasan ng mga kapwa empleyado at guests ay dinala na ito sa isang quarantine facility sa Kalibo.
Nagsagawa na din ng contact tracing ang resort.
Wala namang guests na natukoy na nagkaroon ng close contact sa nagpositibong empleyado.
Pero isang kapwa empleyado ang nagkaroon ng exposure sa pasyente kaya isinailalim na din ito sa test.
Negatibo naman ang resulta subalit kailangan niyang tapusin ang 14 na araw na quarantine. (D. Cargullo)