Renal disease secondary to diabetes dahilan ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino
Humarap sa media ang mga kapatid ni dating Pangulong Benigno Aquino III ilang oras matapos ang pagpanaw ng kanilang kapatid.
Sa pahayag na binasa ni Pinky Aquino-Abellada, sinabi nitong renal disease secondary to diabetes ang cause of death ng kanilang kapatid base sa nakasulat sa kanilang death certificate.
Pumanaw aniya ang si PNoy sa kaniyang pagkakatulog.
Ani Abellada, bago pa magkaroon ng pandemya ay labas-masok na sa ospital si PNoy.