Reklamong breach of protocols vs Sen. Koko Pimentel ibinasura ng DOJ
Ibinasura ng Office of the Prosecutor General ng Department of Justice ang reklamo laban kay Senator Koko Pimentel kaugnay sa paglabag nito sa ipinatutupad na protocols para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Si Pimentel ay inireklamo sa DOJ ng paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases nang siya ay magtungo sa Makati Medical Center kahti alam niyang positibo siya sa COVID-19.
Ayon sa Prosecutor General ng DOJ, si Pimentel ay hindi isang public health authority at hindi required na i-report ang kaniyang medical condition sa ilalim ng RA 11332.
Ayon pa sa desisyon, ang reklamo na inihain ni Atty. Rico Quicho laban sa senador ay “fatally defective” dahil hindi siya ang proper party para magsampa ng kaso.
Ibinase umano ni Quicho ang kaniyang reklamo sa “hearsay” lamang at sa news reports. (D. Cargullo)