Reina Mae Nasino humiling ng furlough sa korte para mabisita ang pumanaw na anak

Reina Mae Nasino humiling ng furlough sa korte para mabisita ang pumanaw na anak

Nagtungo sa Manila Regional Trial Court ngayong Lunes ang kaanak at abogado ng detainee at aktibista na si Reina Mae Nasino.

Ito ay para hilingin sa korte na pagbigyan ang “furlough” para kay Nasino upang madalaw ang pumanaw na sanggol.

Personal na inihain ng ina ni Nasino kasama si National Union of People’s Lawyer (NUPL) Metro Manila secretary general Atty. Katherine Panguban ang “very urgent motion for furlough” sa Manila RTC Branch 37.

Ito ay para kahit sa huling pagkakataon ay makapiling ni Nasino ang kanyang 3-buwang sanggol na si Baby River na namatay noong October 9 dahil sa acute respiratory distress syndrome.

Sa mosyon, nagmamakaawa na si Nasino na makadalo sa burol at sa libing ng kanyang anak.

Punto sa mosyon, nawalan ng pagkakataon si Nasino na makasama ang anak dahil sa kanyang pagkaka-detine.

Ayon naman sa ina ni Nasino na si Aling Marites, pwede namang ituloy ang kaso laban sa kanyang anak pero sana’y pagbigyan ng korte na magkita ang mag-ina kahit nasawi na ang bata.

Sa kasalukuyan, nakaburol si Baby River sa isang punerarya sa Pandacan, Maynila.

Samantala, sumulat na rin ang NUPL sa Korte Suprema para ipaalam kay Chief Justice Diosdado Peralta ang kaso ni Nasino at para gumawa ng kaukulang aksyon dito.

Ang liham ay tinanggap ni Court Administrator Jose Midas Marquez.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *