Rehabilitasyon sa Marawi City hindi pa kumpleto ayon kay Pangulong Duterte
Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Sa kaniyang State of the National Address inamin ng pangulo na hindi pa kumpleto ang pag-rebuild sa Marawi.
Dahil dito inatasan niya ang Task Force Bangon Marawi na mag-doble kayod sa rehabilitasyon.
Batay sa rekord mula sa Malakanyang 18 percent pa lamang ng target number ng permanent houses ang naitatayo sa Marawi City.
Pero ayon kay Task Force Bangon Marawi head Eduardo del Rosario, nasa 68% nang kumpleto ang rehabilitasyon sa lungsod noong June 2021.