Rehabilitasyon ng NAIA Terminal 2 halos patapos na
Malapit nang matapos ang rehabilitasyon sa teminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 98.10 percent nang kumpleto ang rehab project para sa NAIA Terminal 2.
Kasama sa proyekto ang pagsasaayos ng terminal partikular sa architectural, functional, at operational requirement nito.
Inaasahang makukumpleto ang rehabilitasyon sa terminal 2 sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan ng Enero. (D. Cargullo)