Regular na neuro-psychiatric tests importante sa hanay ng pambansang pulisya – Eleazar

Regular na neuro-psychiatric tests importante sa hanay ng pambansang pulisya – Eleazar

Mahalaga ang pagkakaroon ng regular na neuro-psychiatric tests sa hanap ng pambansang pulisya.

Pahayag ito ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar matapos ang umano ay tangkang pagpapatiwakal ng isang police trainee sa Rosario, Cavite.

Sa inisyal na ulat, ang 25-anyos na police trainee na mula sa PNP Maritime Group ay natagpuang sugatan noong Linggo, June 6 sa rooftop ng kaniyang boarding house.

Isinugod ito sa Divine Grace Hospital at doon nalamang ito ay nagtamo ng tama ng bala.

Ani Eleazar, ang nasabing insidente ay nagpapakita ng kahalagahan ng regular na check up sa mental health ng PNP personnel.

“Sa training pa lamang, masasabing hindi na biro ang pinagdadaanan ng mga pulis. This is why I reiterate the importance of subjecting all personnel to neuro-psychiatric tests to determine if they are mentally and emotionally capable of being part of the organization,” ani Eleazar.

Tiniyak naman ni na tutulungan ang nasabing police trainee.

Inatasan naman ng PNP Chief ang lahat ng police commanders na bantayang mabuti ang behavior ng kanilang mga tauhan lalo na kung nakikitaan ng emotional at mental problems.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *