Region 4A nanguna sa mga lugar sa bansa na may mataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19
Batay sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nangunguna ngayon ang Region 4A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa mga lugar sa bansa na may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19.
Kung pagbabatayan ang top 5 sa pinaka-huling datos na inilabas ng DOH noong Miyerkules, May 26.
Umabot sa 569 ang naitalang mga bagong kaso sa Region 4-A.
Pumangalawa ang NCR na nakapagtala ng 525.
Sinundan ito ng Region 3 o Central Luzon na may 471 bagong kaso.
Pang-apat ang Region 10 o Northern Mindanao na may 337.
At pumang-lima naman ang Region 9 o Zamboanga Peninsula na nasa 273.
Samantala, nanguna pa din ang NCR sa may pinakamataas na bilang naman ng mga aktibong kaso sa bansa na nasa 11,046.
Sinundan ito ng Region 4-A na may 8,491.
Pangatlo ang Region 3 na may 6,059 active cases.
Pang-apat ang Region 6 o Western Visayas na may 3,384.
At pumang-lima ang Region 10 na may 2,152 na aktibong kaso.