Red warning itinaas ng PAGASA sa Eastern Visayas

Red warning itinaas ng PAGASA sa Eastern Visayas

Nakararanas ng malakas at patuloy na pag-ulan sa maraming mga lalawigan sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ngayong Lunes (Jan. 18) red warning level na ang nakataas sa sumusunod na mga lalawigan:

– Eastern Samar
– Samar
– Leyte
– Southern Leyte
– Biliran Island

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area, Inter Tropical Convergence Zone at Tail End ng Frontal System.

Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng serious flooding sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Samantala, orange warning naman ang nakataas sa lalawigan ng Bohol.

Habang yellow warning naman sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.

Samantala, inuulan pa din ang maraming lalawigan sa Mindanao.

Nakataas ang yellow warning sa sumusunod na mga lalawigan:

– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Dinagat Islands
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City
– Davao del Sur
– Davao Occidental
– Zamboanga del Norte
– Zamboanga Sibugay
– Sarangani
– North Cotabato (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *