Red tide alert nakataas sa 13 lugar sa bansa – BFAR
Nakataas ang red tide alert sa 13 lugar sa bansa ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng BFAR na ang mga shellfish na nakulekta mula sa 13 lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison na mas mataas sa regulatory limit.
Nakitaan din ng presensya ng red tide toxins ang mga coastal water ng sumusunod na mga lugar:
– Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan
– Sorsogon Bay sa Sorsogon
– coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
– Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental
– coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, San Pedro, at Cambatutay Bays sa Western Samar
– coastal waters ng Calubian, Leyte, Carigara Bay, Ormoc Bay at Cancato Bay, Tacloban City sa Leyte
– coastal waters ng Biliran Islands
– coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental
– Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur
– Murcielagos Bay (Sapang Dalaga and Baliangao) at coastal waters ng Ozamiz City, Misamis Occidental
– Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog, sa Camiguin
Payo ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa nasabing mga lugar ay hindi ligtas kainin.