Red rainfall warning nakataas na sa ilang lalawigan sa Eastern Visayas

Red rainfall warning nakataas na sa ilang lalawigan sa Eastern Visayas

Inuulan ang maraming mga lalawigan g sa Eastern Visayas dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, February 8, red warning na ang nakataas sa Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran Island.

Babala ng PAGASA, maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking mga lugar.

Pinapayuhan ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council na gumawa ng karampatang mga hakbang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *