Red Cross sinabing sila lang ang laboratoryo na maaring magsagawa ng COVID-19 Saliva RT-PCR test

Red Cross sinabing sila lang ang laboratoryo na maaring magsagawa ng COVID-19 Saliva RT-PCR test

Walang ibang laboratoryo na maaring magsagawa ng COVID-19 Saliva RT-PCR test maliban sa Philippine Red Cross.

Pahayag ito ng Red Cross kasunod ng mga balitang may mga ibinebentang kit na gumagamit rin ng saliva bilang sample.

Ayon sa pahayag ng Red Cross ang nasabing mga kit na ibinebenta ay hindi para sa RT-PCR Test.

Ang mga ito ay antigen o antibody rapid test kits na mas mababa nang ‘di hamak ang accuracy (specificity and sensitivity) kumpara sa RT-PCR test ng Philippine Red Cross.

Sinabi din ng Red Cross na walang DOH-approved self-administered COVID-19 test kits.

Lahat ng mga tests ay ginagawa dapat sa mga accredited laboratories at ng mga health professionals.

Para sa mga ilegal na COVID19 test kits, maaaring itong ireport sa FDA (02) 8809-5596 o magemail sa ereport@fda.gov.ph.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *