Red alert itinaas sa Coast Guard Southwestern Mindanao matapos ang pagsabog sa Jolo, Sulu
Nagtaas ng ‘red alert’ ang Philippine Coast Guard (AFP) sa buong Southwestern Mindanao kasunod ng dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu.
Ang deklrasyon ayo ginawa ni PCG Commandant, Admiral George V Ursabia Jr.
Sakop ng pagtataas ng alerto ang Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi.
Inaatasan ang mga tauhan ng PCG sa naturang rehiyon na tumulong sa AFP at PNP sa ginagawang imbestigasyon at pagtukoy sa mga nasa likod ng pagsabog.
Pinatitiyak din ni Ursabia ang kaligtasan ng mga residente sa lugar sakaling magkaroon pa ng panibagong pag-atake.
Ani Ursabia, magpapatrulya at magtitiyak ng seguridad sa mga pantalan ang mga PCG K9 units, safety inspectors, at patrol boat operators. (END)