RECORD-BREAKING: MRT-3 nakapagpabiyahe ng 22 tren
Nakapagpabiyahe ng 22 mga tren ang Metro Rail Transit (MRT)-3 ngayong araw (Sept. 21).
Ayon sa DOTr MRT-3 record-breaking ito sa kasaysayan ng pagbiyahe ng kanilang mga tren.
Ito kasi ang unang pagkakataon na nakapagpabiyahe ng 22 mga tren sa mainline ng MRT-3.
Kapag mas maraming tren ang bumibiyahe ay bumababa ang interval sa pagitan ng mga tren at nababawasan ang waiting time ng mga pasahero. (END)