Raymond Gutierrez opisyal nang inamin na siya ay miyembro ng LGBTQ community
Pormal nang inamin sa publiko ni Raymond Gutierrez na siya ay bading.
Sa panayam ng MEGA Entertainment, nagpasya si Mond na magsalita ng totoo sa una at huling pagkakataon.
“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am,” wika niya.
Sabi ni Mond na nakatulong ang pandemic upang mapagtanto niya ang kahalagahan ng mamuhay ng buong-buo at patuloy aniyang gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagpapakatotoo sa sarili.
“I’ve never felt more happy and content with my life, and I feel like I wanna share that with people, and what the pandemic really taught me is to live your life because life is short,” saad ng TV host.
“That’s what I’ve been doing here in California and what I plan to do for the rest of my life,” dagdag pa niya.
Inamin din nito na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan habang siya ay lumalaki, ngunit nagpapasalamat siya sa mga kaibigan at pamilya na sumuporta sa kanya ng husto.
“Like, what is this? I had my brother who was so similar to me but so different in so many ways. But he never had to explain his sexuality, so why should I?” tugon nito.
Inamin din niya na minsan na siyang na bully at tinawag na “baklang kapatid ni Richard,” na naging sanhi ng kanyang depresyon.
“I can literally hear them,” he said. “That kind of became why I got depressed and why I gained so much weight. I literally became self-destructive.”
Saad pa ni Raymond, bahagi ng kanyang desisyon na lumantad sa pag-asang maging inspirasyon sa ibang tao na nahihirapan sa kanilang seksuwalidad.
“I’m doing this now just because I ve had so many learnings during the pandemic that maybe a lot of people are going through similar situations as me,” pahayag niya. (DJ Ricksmile)