Random Antigen Testing sa mga pasahero ng MRT-3 sisimulan na bukas, Jan. 11

Random Antigen Testing sa mga pasahero ng MRT-3 sisimulan na bukas, Jan. 11

Sisimulan na bukas, January 11 ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsasagawa ng libreng random Antigen Testing sa mga pasahero.

Ito ay bilang pagtugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Boluntaryong isasailalim sa random Antigen Testing ang mga pasahero sa sumusunod na mga petsa:

January 11-14
January 17-21
January 24-28
January 31

Maglalagay ng antigen testing sites ang MRT-3 sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue (both bounds).

Ang bawat istasyon ay pwedeng mag-accommodate ng anim (6) na pasahero kada peak period, o 24 na pasahero kada isang araw sa bawat istasyon.

May katumbas ito na 96 na pasahero sa kabuuan kada araw para sa apat na istasyon.

Isasagawa ang random antigen testing sa consenting and volunteering passengers tuwing peak hours mula 7:00 hanggang 9:00 sa umaga, at mula 5:00 hanggang 7:00 sa gabi.

Kailangang punan ng volunteer passenger ang consent form at contact tracing form bago ang random antigen testing.

Para sa mga pasaherong papayag magpasailalim sa Antigen Test at magnenegatibo ang resulta ay libre na ang kanilang pagsakay sa MRT-3.

Sa oras naman na magpositibo sa antigen testing, hindi na ito papasakayin ng tren at aabisuhan ang pasahero na kaagad magself-isolate at makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

Ang random antigen testing ay isasagawa ng mga trained medical personnel mula sa South Superhighway Medical Center. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *