Quarantine sa mga flight crew hiniling na iksian gaya ng sa healthcare workers

Quarantine sa mga flight crew hiniling na iksian gaya ng sa healthcare workers

Nais ng mga airline company na paiksiin din ang quarantine at isolation protocols sa mga flight crew gaya ng pinatutupad sa mga medical at healthcare workers.

Ito ay para matugunan ang kakapusan sa manpower sa mga airline company dahil marami sa kanilang crew ang nalalantad sa COVID-19 positive at kinakailangang mag-quarantine.

Kahapon, pinulong nina Transportation Sec. Art Tugade at Testing Czar Vince Dizon ang mga executive ng mga airline company upang pag-usapan ang panukala.

Layunin din ng nasabing kahilingan na maiwasang maantala ang commercial at government flights lalo na ang pagbiyahe sa mga OFWs.

Ani Tugade, inatasan nila ang mga airlines na maghanda ng presentasyon hinggil sa kanilang hiling para maiprisinta sa Inter Agency Task Force.

Una nang pinayagan ng IATF at ng Department of Health (DOH) ang mas maiksing quarantine at isolation sa mga healthcare workers na tinatamaan ng COVID-19 o ‘di kaya ay nae-expose sa COVID-19 positive.

Binibigyang-diskresyon ang pamunuan ng gma ospital na paiksiin sa limang araw na lamang ang isolation ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19.

Habang hindi na kailangang mag-quarantine ng healthcare workers na close contact ng COVID-19 patient. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *